PINAKAKAMATAYAN

v1.0.3·Updated 2026-10-04

Pagsasaling Filipino ng ULTRAKILL / Filipino localization mod for ULTRAKILL

About this mod Author’s original text

PINAKAKAMATAYAN

Naubos ang sangkatauhan at natira na lamang ang mga makinang namumuhay sa dugo.\

Ngunit nang kumakapos na ang dugo sa itaas...\

Sila'y lumusong sa Kailaliman upang humanap pa nito.

KAMATAYAN NG SANGKATAUHAN\

DUGONG INUUGATAN\

PUSPOS ANG BUONG KAILALIMAN

NILALAMAN

Ito ay isang pagsasalin ng larong ULTRAKILL tungo sa Filipino.

Isinalin ang mga sumusunod:

  • LAHAT NG AKLAT
  • LAHAT NG SULAT SA MAKIKITA MO SA KAPALIGIRAN
  • LAHAT NG MGA SINASABI NG KALABAN
  • LAHAT NG PAGDURUSA NG MGA TAUHAN
  • LAHAT NG SALITA SA LOOB NG LARO
  • ~~LAHAT NG TINIG~~ sa hinaharap pa ito. wala pang nahahanap na magtitinig

MGA LUMIKHA

Isinalin ito ng sariling-kusa ng mga taong may malakas na pagtatangi sa laro. Ninanais na maipakita ito sa wikang kanilang kinamuhayan. Pumukaw kami ng kaalaman sa mga totoong aklat at salaysay upang mapalalim ang kahulugan ng bawat salita at pangungusap sa loob ng pagsasalin. Narito ang mga taong tumulong sa pag-usbong ng pagsasalin na ito. (makikita mo ang buong kasaysayan ng mga lumikha sa loob ng laro patungo sa pagkilala).

  • sjemikania - nangungunang tagapagsalin at humahawak ng lahat
  • fraku37 - sumunod na tagapagsalin
  • kekeee - nagbibigay kaalaman at tagaturo ng Baybayin
  • thecasualguy - nagbibigay mungkahing pagbabago at lumikha ng pamagat ng pagsasalin
  • mxkyle - lumikha ng pagsasalin

KARAGDAGANG MGA PAGKILALA

_ Lenna__ - sa pag-aayos ng mga textures* na hindi nagpapakita. Nilikha niya ang pagsasaling Tseko (Czech) na pinamagatang UltraCzech.

  • Sina Pootman at Kyosyiris sa maagang pagsubok ng pagsasalin.

PAANO I-INSTALL

Nangangailangan muna ang laro ng BepInEx mod bago magpatuloy dito. Paraan kung paano i-Install ang BepInEx.

  • Pindutin ang Download na makikita mo sa pahinang ito (tumingin sa itaas-kanan)
  • Hanapin ang na-Download na.zip polder na maaaring nasa loob ng iyong polder ng Downloads
  • I-extract ito sa pag-Rightclick ng iyong Mouse sa ibabaw ng polder na.zip ng na-Download
  • Buksan ang na-Extract na polder at ilagay ang polder ng config at plugins sa loob ng iyong BepInEx na polder
  • Buksan ang laro, pumunta sa OPSIYON > WIKA at pindutin ang wikang Filipino

MOD NA GINAGAMIT NG PAGSASALIN

Nagkatotoo ang pagsasalin na ito dahil sa mod ni Clearwater na tinatawag na UltrakULL. Kasalukuyang hinahawakan at pinapanatili ni Greycsont. Salamat sa kanilang pagsisikap!

Install & use Install: BepInEx plugin

  1. The archive from playbuff is the mod itself — usually a BepInEx plugin (a .dll or a plugin folder once unzipped).
  2. Recommended: use a community mod manager (such as r2modman) — pick this game, import the mod, and the manager sets up BepInEx and its dependencies for you.
  3. Manual route: install the BepInEx loader in the game folder, then drop the unzipped .dll or plugin folder into BepInEx/plugins/.
  4. Launch the game — the BepInEx console logs every plugin it loads; seeing this mod in the log means it is installed.

Mods with listed dependencies need those installed too, or they will not load. Options are usually changed in-game or in the plugin's config file.

Dependencies

Install these first, or the mod will not work:

BepInEx-BepInExPack

File & checksum

Filename
PINAKAKAMATAYAN-1.0.3.zip
File size
52.9 MiB