PINAKAKAMATAYAN
Pagsasaling Filipino ng ULTRAKILL / Filipino localization mod for ULTRAKILL
模組介紹 作者原文
PINAKAKAMATAYAN
Naubos ang sangkatauhan at natira na lamang ang mga makinang namumuhay sa dugo.\
Ngunit nang kumakapos na ang dugo sa itaas...\
Sila'y lumusong sa Kailaliman upang humanap pa nito.
KAMATAYAN NG SANGKATAUHAN\
DUGONG INUUGATAN\
PUSPOS ANG BUONG KAILALIMAN
NILALAMAN
Ito ay isang pagsasalin ng larong ULTRAKILL tungo sa Filipino.
Isinalin ang mga sumusunod:
- LAHAT NG AKLAT
- LAHAT NG SULAT SA MAKIKITA MO SA KAPALIGIRAN
- LAHAT NG MGA SINASABI NG KALABAN
- LAHAT NG PAGDURUSA NG MGA TAUHAN
- LAHAT NG SALITA SA LOOB NG LARO
- ~~LAHAT NG TINIG~~ sa hinaharap pa ito. wala pang nahahanap na magtitinig
MGA LUMIKHA
Isinalin ito ng sariling-kusa ng mga taong may malakas na pagtatangi sa laro. Ninanais na maipakita ito sa wikang kanilang kinamuhayan. Pumukaw kami ng kaalaman sa mga totoong aklat at salaysay upang mapalalim ang kahulugan ng bawat salita at pangungusap sa loob ng pagsasalin. Narito ang mga taong tumulong sa pag-usbong ng pagsasalin na ito. (makikita mo ang buong kasaysayan ng mga lumikha sa loob ng laro patungo sa pagkilala).
- sjemikania - nangungunang tagapagsalin at humahawak ng lahat
- fraku37 - sumunod na tagapagsalin
- kekeee - nagbibigay kaalaman at tagaturo ng Baybayin
- thecasualguy - nagbibigay mungkahing pagbabago at lumikha ng pamagat ng pagsasalin
- mxkyle - lumikha ng pagsasalin
KARAGDAGANG MGA PAGKILALA
_ Lenna__ - sa pag-aayos ng mga textures* na hindi nagpapakita. Nilikha niya ang pagsasaling Tseko (Czech) na pinamagatang UltraCzech.
- Sina Pootman at Kyosyiris sa maagang pagsubok ng pagsasalin.
PAANO I-INSTALL
Nangangailangan muna ang laro ng BepInEx mod bago magpatuloy dito. Paraan kung paano i-Install ang BepInEx.
- Pindutin ang Download na makikita mo sa pahinang ito (tumingin sa itaas-kanan)
- Hanapin ang na-Download na.zip polder na maaaring nasa loob ng iyong polder ng Downloads
- I-extract ito sa pag-Rightclick ng iyong Mouse sa ibabaw ng polder na.zip ng na-Download
- Buksan ang na-Extract na polder at ilagay ang polder ng config at plugins sa loob ng iyong BepInEx na polder
- Buksan ang laro, pumunta sa OPSIYON > WIKA at pindutin ang wikang Filipino
MOD NA GINAGAMIT NG PAGSASALIN
Nagkatotoo ang pagsasalin na ito dahil sa mod ni Clearwater na tinatawag na UltrakULL. Kasalukuyang hinahawakan at pinapanatili ni Greycsont. Salamat sa kanilang pagsisikap!
安裝與使用 安裝:BepInEx 外掛
- 本站下載的壓縮包就是模組本體,通常是 BepInEx 外掛(解壓後得到 .dll 或外掛資料夾)。
- 建議流程:用社群模組管理器(如 r2modman)選中本遊戲後匯入該模組,管理器會自動裝好 BepInEx 前置並處理依賴。
- 手動流程:先在遊戲目錄裝好 BepInEx 載入器,再把解壓出的 .dll 或外掛資料夾放進 BepInEx/plugins/。
- 啟動遊戲,BepInEx 控制台會列印載入日誌;確認這個模組出現在日誌裡即為安裝成功。
帶「前置依賴」的模組需要一併安裝,否則不會載入。功能開關通常在遊戲內或外掛自帶的設定檔裡調整。
下面這些內容需要先安裝,否則該模組不會生效: